Nagpapaabot ng pasasalamat kay Gov Oyie Umali ang mga kasapi ng mga agricultural cooperatives at irrigators associations na kabilang sa mga tumanggap ng tulong mula sa Kapitolyo para palakasin pa ang sektor ng agrikultura. Sa huling tala ng Provincial Agriculturist Office Nueva Ecija o OPA NE,may mga kooperatiba at assosasyon ng mga magsasaka sa ibat ibang panig ng lalawigan na nabigyan ng tulong ng Kapitolyo.
Sa pakikipag ugnayan sa Department of Agriculture o DA, local government units at iba pang ahensya, nakatanggap ang ilang organisadong magsasaka ng warehouse at dryer na matagal na nilang hinihiling para sa kanilang mga produktong bukid.
Ilan sa mga nagpaabot ng pasasalamat ay ang Guimba Victoria Irrigators Association,Nakabilog Maynabo Tambo Irrigators Association ng Penaranda, Bangon Nampicuan Cuyapo Irrigators Association,Panabingan ARB Cooperative ng San Antonio, Samahan ng Bayanihan Irrigators Association ng Sta Rosa, Pantabangan Agrarian Reform Cooperative,Valle Multi Purpose Cooperative ng Talavera at Rizal Vendors, Farmers and Transport Cooperative.
Sinabi naman ni Joebeat Agliam mula sa OPA-NE na patuloy ang malasakit ng Pamalaang Panlalawigan na maihanap ng kasagutan ang mga pangangailangan ng uring magbubukid.
Sa huling tala ng OPA NE, umaabot sa 11% ng rice demand ng bansa at 50 % naman para sa Region lll ang kayang i-supply ng Nueva Ecija na tinaguriang rice granary of the Philippines.
Video Rating: / 5
The History of POA and POAA
This video is for informational purposes only.
If you want or need legal advice, hire an attorney.
Video Rating: / 5